Pictures I speak here Confession Diary Send me a message heart
IamJaymie.



Hi. Welcome to my Blog. I am Jaymiebunxoh :) Love to have you here. Feel free to explore my tumblog! Jaymie|19|TUMBLRISTA
 ang minamahal ko dito. MY.CONFESSIONS
Letters to my future boyfriend
Want to know me more. Click here Ask me here baby theme: tweaked by: jaymiebunxoh

Message Me.






3 hours ago on May 27 2012 @ 9:57am 5,345 notes Reblog


Pinaka masasakit na sitwasyon pagdating sa pag-ibig.

theskullcandiii:

littlemisspauper:

  • Iwan ka ng taong pinangakuan ka ng “Forever.”
  • Malaman mong may ibang gusto ang taong mahal mo.
  • Nahulog ang taong mahal mo sa kaibigan mo.
  • Hindi ka nagawang ipaglaban ng taong inaasahan mong ipagtatanggol ka.
  • Nanlamig ang taong mahal mo dahil may pinag-iinitang bago.
  • Sabihing mahal ka niya pero hindi naman ganun ang kinikilos niya.
  • Kaibigan lang ang turing sayo ng taong mahal mo.
  • Sabihing mas masaya siya sa mga kaibigan niya.
  • Biglang nagbago ang ugali ng taong lagi kang pinaaalahanan na wag magbago.
  • Mas pinili niya ang ibang bagay kaysa sayo.
  • At biglang pagkawala ng mga bagay na hinding hindi mo inaakalang mawawala sayo.

Marami talagang complications pagdating sa pag-ibig. Minsan hindi mo alam kung ang mga signs ba na ito ay sadyang tinetest ka lang kung hanggang saan ang kaya mo o sign ito na kailangan mo ng mag let go. Nakakalito. Pero isa lang ang malinaw. Yun yung, nagmamahal ka lang talaga kaya ka nasasaktan.


4 days ago on May 23 2012 @ 9:41am 137 notes Reblog


JAYMIE MULI. I hope mabasa mo to, this one is for you. diko mapost sa ASK tab mo eh, bitin ung characters ng text :D

myluckystaaar:

hi jaymiebunxoh ng tumblr, at hello JAMENG ng buhay namin. :D

I’ve read your post about HIM, alam mo kasi normal lang naman talaga na masaktan sa taong minamahal mo, pero kapag sobrang sakit na siguro talagang panahon na para i LET GO ang lahat, sa UNA lang naman mahirap diba? sooner or later magiging okay din yan. LAHAT tayo pinagdaaanan na naten yan, ang umiyak, at tumawa kasama yung taong mahal naten, masaya main-love eh, BEST FEELING ever nga yata un, dinaig mopa ang tumama sa lotto. Pero diba DESERVING naman kasi tayong maging MASAYA , oo alam ko MAHAL MO SIYA EH. Pero iconsider mo naman yung feelings mo, ang sakit sakit na diba? JAMENG natatandaan mo ba? yung mga panahong lugmok din ako sa isang tao? ganyan na ganyan diba? isa pa hindi ka lang ngayon nagmahal. Hindi rin yan yung unang beses kang nasaktan diba? pero sa kabila ng lahat ayan ka ulit nagmamahal. Nagpatuloy ang buhay kahit nasaktan ka na ng isa, dalawa oh kahit ilang beses pa.

Gusto ko lang ipaalam na andito kaming FRIENDS MO for you. I know hindi man kami yung hinahanap mo, we’re still here trying to protect you from pain kahit nakakalusot minsan. YOU DESERVE BETTER! OR SHOULD I SAY YOU DESERVE THE BEST. YOU deserve better THAN that. Hindi mo kelangan ubusin yung luha mo sa isang lalaking hindi ka kayang pahalagahan, kelangan umiiyak ka lang sa lalaki dahil sobra sobra ka niyang napapasaya hindi yung sobra sobra ka niyang nasasaktan.


YOU better let him go na siguro. Sometimes words are better left unsaid. For your own, YOU must learn the art of letting go (kanta yata to, hahaha). I’m not saying that it would be easy as if you were just about to say it, NO. NOT REALLY. Cause I know it would be as hard as FCUK.  BUT eventually MOVING ON and LETTING GO are both a PROCESS. A step by step process, you’ll probably cry, everyday or every night it doesn’t matter, DO NOT control the tears let it flow to lessen the pain inside. CRYING DOESN’T INDICATE THAT YOU ARE WEAK, SINCE BIRTH IT HAS ALWAYS BEEN A SIGN THAT YOU ARE ALIVE. 


Basta we’re always here for you no matter what. YOU ARE PRETTY IN AND OUT. Don’t find love, let love find you nga daw, para mas interesting at exciting diba? di maiiwasan yang mainlove sa isang KAIBIGAN. TANGINANG FRIENDZONED yan. HAHAHA 

Darating din yung araw na KAPAG NAAALALA MONG NAINLOVE KA SAKANYA MAPAPANGITI KA NA LANG, na once in your life nasubukan mo or natin na maging tanga. MAHAL NATIN EH. Pero hindi dun nasusubok ang ugali ng isang tao. MARAMING MATATALINO DYAN NA PAGDATING SA PAG-IBIG NAGIGING TANGA. 


REMEMBER THAT YOU ARE A TREASURE TO SOMEONE THAT IS MORE DESERVING THAN THE ONE WHO LEFT YOU. okay masyado ng madrama tong post na to. hihihihi di na kasi kita nakakausap sa personal kaya dito ko nalang lahat ibubuhos. Hindi din ako makatulog sa ngayon eh. kaya naman eto ako nagblog para sayo. Para malaman mong MADAMING CONCERN sayo. :) I LOVE YOU ALWASY JAMENG. SOON mahahanap din natin yung taong MAMAHALIN TAYO HIGIT SA PAGMAMAHAL NATIN SA IBA. I MISS YOU LOADS. HUGS AND KISSSSESSS!

from CANADA  with LOVE: pamie ^__________^


5 days ago on May 22 2012 @ 10:23am 1 note Reblog


If I could explain to you how much you hurt me I would, but my tears should be enough.

You can close your eyes to things u don’t want to see & your ears to things u don’t want to hear but u can’t close your heart to things u don’t want to feel.

Paulit-ulit nalang ito eh. Paulit-ulit lang akong nasasaktan, winawalang bahala at hindi pinahahalagahan ang mga efforts ko. Ulit-ulit lang yan, Dapat nga nasanay na ako. dapat manhid na ako sa mga bagay na iyan, pero hindi eh. Dahil hanggang ngayon, paulit-ulit parin akong nasasaktan. At naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong sakit na nararamdaman ko, heto parin ako…minamahal ka!

Lagi na lang niyang sinasabi “Hindi ko sinasarado ang possibilities, ewan.” Umasa ako na mabuksan ang pintong yan, na isang araw magising nalang siya at alam na niya ang kasagutan kung maaaring mahalin niya rin ako. Oo o Hindi lang naman ang gusto kong marinig na sagot, malinaw walang paligoy-ligoy.

Mabuti pa yung mga ganyang sagot. STRAIGHT TO THE POINT. Kahit na masasabi ko na lang na Tang-inang Friendzoned yan! Pero mas okay pa yung ganyan, Kesa sa lugar ko ngayon. Na hindi alam kung saan lulugar, na hindi alam kung may hinihintay ba ako, na nagpapaka-gaga lang ako sa mga ginagawa ko.

EFFORT. Bakit ko ginagawa yun? mahal ko siya eh. ganun siya kahalaga saakin. Pero sakabila ng mga ginagawa ko, oo masaya ako kasi gusto ko ang ginagawa ko, pero ANG SAKIT na ako ginagawa ko ang mga yan at siya??? NGANGA! Sino ba ako para magdemand na itext niya ako kung nakauwi na ba ako? na kamustahin ako? na tanungin kung nassan na ako? na ipagreserved ako ng upuan sa tuwing may klase? ISA LANG AKONG KAIBIGAN, WALA AKONG KARAPATANG MAGDEMAND. WALA! Hindi naman ako umaasang gagawin niya yun eh, ang saakin lang kaunting appreciation man lang sana :( Yun lang naman ang gusto ko eh, at sigurado akong yun ang gusto ng mga taong nagmamahal. Bakit saakin hindi niya magawa? Hindi naman siguro siya manhid para hindi maramdaman na ginagawa ko ang mga yun dahil mahal ko siya? :(

Marami tayong taong nakakasalamuha sa buhay natin, ‘yung iba minamahal natin. ‘Yung iba, binabalewala lang natin. Sa buhay nating ‘to, may mga nagtatagal, meron din mga mang-iiwan din. Asahan na natin ‘yun. Heto na siguro yung point na magsasawa ka rin kapag hindi ka binibigyan ng pagpapahalaga ng taong sobra sobra mong pinapahalagahan, minamahal ko siya ng sobra sobra, Ilang buwan kong inilihim ito saknya pero at the end, nalaman rin niya. Minahal kiya, ‘yung pagmamahal na kaya kong ibigay at ipadama kahit kaibigan lang ang turing niya saakin. In the end, wala akong pagsisisihan. At least, I did my best para mapatunayan ‘yun sakanya. 

Kapag daw Broken hearted ang isang tao, ayos lang magpaka-bitter, pero ‘yun isumpa siya at magsisi akong, “sana hindi ko na lang siya nakilala!” HINDING HINDI KO GAGAWIN YUN, dahil isang beses sa buhay ko, naging parte siya nyan. Once in my life, napasaya niya ako at napasaya mo siya. Lahat naman ng nangyayari eh may dahilan ‘yan.  When we fall in love, it’s not always about happiness, hope and contentment. Kasama na rin dyan ang pain, trials, regret and disappointments that entails a person when they fall too hard in love. Love leaves us broken and wounded. Pero ‘wag natin masyadong damdamin, dahil hindi lang tayo ang nakakaranas niyan sa pag-ibig. It’s part of the cycle. Mahirap magkaroon ng taong mahal mo, pero siya wala na palang pag-ibig para sa’yo. 

Palagi kong tinatanong ang sarili ko, Hanggang kailan ako ganito? Noon may kasagutan ako.. “Kaya kong maghintay kahit ang sakit sakit na, mahal ko eh.” Ngayon, may sagot parin naman ako, pero mukhang nagbago ito. “Mahal ko siya, pero ang sakit sakit na eh!” Napapagod rin pala ang puso. Isa pang katanungan na gumulo sa isip ko.

KAILAN KO BA MATATANGGAP NA HINDI NIYA TALAGA AKO KAYANG MAHALIN?

Pagdating sa pag-ibig eh talagang mahirap bago maka-realize. Bago ko matutunan at bago niya malaman ang lahat ng ginagawa ko eh sadyang kabaliwan lamang. Kailangan ko muna niyang makaranas ng maraming pasakit sa kanyang buhay para siya ay matauhan. Lahat naman tayo eh gustong magmahal. Pero wala ng mas sasarap pa kung ‘yung taong minamahal mo eh minamahal ka din pabalik. Dahil kung ganun, wala kang mararamdaman na sakit at lungkot. 

Gusto kong mag-move on, hindi ko na kasi kaya yung sakit na nararamdaman ko. feeling rejected, alone, worthless, hopeless, unappreciated, unlove, unnoticed, unknown. 

Mahal ko siya, Importante siya saakin, Mahalaga siya sa buhay ko, ayokong dumating yung araw na sa sobrang sakit na ng nararamdaman ko ay umabot sa point na ayoko na siya. Because I know I can’t unlove him. I know I can’t easily forget him. WORTHLESS nga eh, kasi sabi ko…” Magmomove on na ako, pero babagalan ko, baka kasi mahabol niya pa ako.” meaning, kahit nagmomove on na ako, eh umaasa parin ako na yung sinasabi niyang hindi niya sinasarado yung possibilities eh mabuksan na. Nagseself pity na rin ako, at ayoko yung ganitong feeling. Na feeling ko ang pangit pangit ko dahil hindi mo ako kayang mahalin, na wala akong halaga sakanya, na kahit mawala ako okay lang sakanya.

…Hindi ko na alam ang sasabihin ko, naubusan na ako ng mga salita, Dito ko nalang tatapusin, MAHAL NA MAHAL KO SIYA. AYOKO NA! Pero alam kong hindi ko kaya, isang ngiti lang kasi niya, mahal ko na naman siya. 

Kaya ko pa. Mahal kita eh.

Haaayyyy… Uso talaga ang MARTIR saakin.


6 days ago on May 21 2012 @ 10:41am Reblog


Haters gonna hate .

I LOVE YOU KIMPOYFELICIANO =) Trending ka na nga sa puso ko, trending ka pa sa dash ko . <3


6 days ago on May 21 2012 @ 6:36am 2 notes Reblog


Mga natutunan ko sa iba’t ibang tao.

chryza:

“Hindi dahil anihan ‘to, aani ka na agad. Kailangan mong magtanim din.”
-Magsasaka

“Minsan, kailangang lumayo para lang makita mo ng malinaw ang mga bagay bagay.”
-Farsighted people

“Wag mong sabihing bibili ka ng kendi kung wala kang pera— Parang love lang ‘yan, kung papaasahin mo lang siya, ‘wag mo nalang guluhin ang mundo niya.”
-Tindera

“Kapag handa kang humawak ng baril, dapat handa ka din tamaan ng bala.”
-Sundalo

“Dapat nga, habang tumatagal, lalong napapamahal.”
-Antique Vendor

“If you have to choose between your love and dreams… Piliin mo ang pangarap mo. Kasi kung mahal ka niyang talaga, maiintindihan niya. At kung dumating ang panahon, pagbalik mo at wala na siya, accept it. Hindi siya para sa’yo kasi hindi ka niya naintindihan. Hindi ka nga niya mahal.”
-Madaming alam

“Kung hindi ka marunong mag sorry, mabuti pang huwag kang gumawa ng bagay na makakasakit… At kung marunong ka naman mag sorry, huwag mong gawing dahilan ‘yon para paulit-ulit na makasakit.”
-Ilang beses nang sinaktan

“Nakaka-inggit ‘yung mga matatagal nang magkarelasyon. Pero mas mainggit ka sa mga matitibay na magkarelasyon.”
-Inggitera 

“Forget about the signs. Ikaw lang at ikaw lang ang makakaalam sa tunay mong nararamdaman.”
-Nahuling hindi sumunod sa traffic light

“Di ibig sabihin na mas pinili niyang maging magkaibigan kayo, wala ka nang halaga sa kanya. Mas pinili lang niya kung saan kayo magtatagal dahil ayaw ka niyang mawala sa kanya.”
-Friendzoned 

“Sana sa langit na lang napupunta ang mga taong mapagpanggap. Ayaw ko kasi ng amoy ng nasusunog na plastik.”
-Satanas 


6 days ago on May 21 2012 @ 6:30am 832 notes Reblog


LOVE :sweetest dream or nightmare?

Ang pag-ibig.

Sabi nila ang “Love” ang pinakasayang feeling na mararamdaman mo dito sa mundong ‘to. Pero bakit andyan pa rin ‘yung feeling na nalulungkot ka? Alam ko lahat tayo, tinatanong natin mga sarili natin, “Bakit nga ba ganito/ganyan ang love?” Dahil sa love, ang dami nating nalalaman at natutunan. Andyan ‘yung, masayahin, pero dahil nasaktan sa pag-ibig, naging iyakin. Andyan din ‘yung pagiging martir mo. Kulang na lang gawin ka ng rebulto dun sa Luneta park, at sabihing, “Ito ‘yung taong ginawa ang lahat magustuhan ang taong mahal niya.” Kulang na kulang na lang talaga, eh matawag ka ng bayani ng mga martir. Natutunan rin naging maging gago at tanga, pagtawanan ka na ng iba, dahil ikaw ang model ng pagiging no.1 sa katangan. Lagi ka nalang umiiyak bagkus, andyan ang mga kaibigan mo para pasayahin ka. Ang mag-bingi-bingihan at magbulag-bulagan. Alam na ng lahat at ikaw na lang ang hindi na hindi naman ikaw ang taong mahal ng gusto mo. Aba! Kinarir mo! Isang trophy sa’yo! Minsan, isipin mo rin ang sarili mo. Hindi laging siya na lang…

Pero kung sinasakto mo lang ‘yang pagiging manhid at tanga-tangahan mo sa isang tao, nagdudulot rin ‘yun ng maganda. Kasi, kahit papano, maisip mo lang siya, masaya ka. Nagkakaroon ka ng inspirasyon sa bawat bagay na ginagawa mo. Ang pagpasok mo araw-araw sa school para lang makita siya at mabuo ang araw mo. Ang kinang sa’yo mga mata at abot na sa tengang ngiti sa tuwing masilayan mo lang siya ng kahit sandali lang. 

Totoong nakakabaliw ang pag-ibig, hindi malaman kung may mali o tama sa ating pinag-gagawa. Mga promises? Napapako naman. Mga “I love you”? Hindi naman napapatunayan. ‘Yung iba, hanggang salita lamang at wala namang maibubuga kapag sa gawa. Masakit, masaya, mahirap, nakakalungot. ‘Yan ang pag-ibig. Kung hindi mo mararanasan ang hirap at sakit, hindi mo makakamit ang kasiyahang gusto mong i-feel.


1 week ago on May 20 2012 @ 11:09am 2 notes Reblog


May mga taong KONTRABIDA sa lovestory ng buhay mo!

Oo, kahit na gaano pa kayo kasaya, may mga taong pilit kayong sinisira. May mga tao ding pilit kayong paghihiwalayin, paglalayuin, gagawan ng issue at kung ano-ano pa. pero kung mahal mo talaga siya, hindi problema ang bagay na ‘to. Pero kilala mo ba kung sino ‘yung taong kontra-bida sa love story niyo?

Tandaan, hindi mo kailangan maging kontra-bida sa sa love story ng iba, kung pwede ka namang maging bida sa love story na gagawin mo, hindi ‘yung makiki-extra ka pa


1 week ago on May 20 2012 @ 11:06am Reblog


chickboydawako:

Nakakatanga din pala kapag sinabi mo sa sarili mo na okay ka na kahit na alam mong hindi ka pa lubusan na maayos. Alam mo ‘yung tipo na kaka-break niyo lang or tipong fresh pa ‘yung pakiramdam na iniwan ka ng taong tinuring mo ng parte ng buhay mo? Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Akala mo sa sarili mo ayos ka na. Bumalik ka sa dati mong buhay kung saan wala pa siya sa buhay mo. Unti-unti mo ng napagdidikit-dikit ulit ‘yung piraso ng puso mo. Masaya ka na. Sabi mo. Pero minsan magkakaroon ka pa din talaga ng oras na mag-isa. Dito mo naman mararamdaman ‘yung kalungkutan sa puso mo. ‘Yung panghihinayang na hinayaan mong mawala sa’yo ‘yung taong pinakamamahal mo. Na kapag nag-iisa ka, maiisip at maiisip mo siya kahit na anong pilit mong ‘wag. Wala kang magagawa, dahan-dahan kang kakainin ng kalungkutan. Okay ka na. Sabi mo.

Wala namang may gusto na iwan siya ng taong mahal niya. Pero minsan kasi mas makakabuti pa pala ‘yung pagiwan na ‘yun sa’yo. Hindi lang natin minsan nakikita, pero sa oras na iwan tayo ng taong mahal natin, doon natin nare-realize ang mga bagay na dapat nating makita nung nasa mga kamay pa natin sila. Too late? Siguro nga huli na ang lahat. Lagi na lang bang ganoon ang kailangan mangyari sa atin? Lagi na lang ba na kailangang mawala muna ‘yung taong pinakamamahal natin bago natin makita kung ano ang mali? Nakakagago lang. You’ll never know what’s there until it’s gone ika nga. Pero wala na tayong magagawa kung tuluyan na siyang nawala sa atin. Okay ka na. Sabi mo.

Ano na nga ba ang natitira sa’yo? Kung ano man ang meron ka pa, ‘wag mo na hayaan itong mawala sa’yo. Hindi naman kasi katapusan ng lahat kapag merong nawala sa atin. Sabi nga nila, kapag merong nawala, meron ding papasok na bago. Mahirap mang tanggapin na nawalan ka you’ll have no choice but to accept it and move on. Ganon naman talaga sa buhay ‘di ba? It’s a matter on how you survive. Merong dadating na tao sa buhay mo pero hindi mo alam kung hanggang kailan ba siya mananatili. Kung aabot ba siya doon sa tinatawag nilang forever o hindi. Hindi naman kasi lahat ng taong dadaan sa buhay mo ay mananatili. Pero ang mga bagay na wala na sa’yo ay hindi mo na dapat pang isipin. Bagkus tingnan mo kung ano ang natitira pa sa’yo. Appreciate. Normal lang din naman ang masaktan. Kasama sa paglaki ‘yun. Hindi mo din naman kasi kailangang madaliin ang pagh hilom ng sugat. Kailangan ng oras ito. Higit sa lahat, ‘wag mo lolokohin ang sarili mo kung ano ba talaga ang nararamdaman mo. Okay ka na. Sabi mo.


1 week ago on May 20 2012 @ 10:59am 47 notes Reblog


Sabi nila ALL IS FAIR IN LOVE&#8230;
Pero bakit ganun? Mahal kita, pero ako hindi mo ako mahal. UNFAIR!
I don&#8217;t really know what to do. Sometimes I&#8217;m happy&#8212;the other day I&#8217;M NOT. Mahal kita, alam mo yun. Pero bakit kahit simpleng appreciation lang WALA? oo. this means UMAASA ako. mali ito, alam ko. Pero konting appreciation lang naman ang kailangan ng isang babaeng sobrang nagmamahal ng isang tao.Bakit sakin hindi mo magawa? simpleng Thank you lang sana. Simpleng Ingat. simpleng Bye.

Sabi nila ALL IS FAIR IN LOVE…

Pero bakit ganun? Mahal kita, pero ako hindi mo ako mahal. UNFAIR!

I don’t really know what to do. Sometimes I’m happy—the other day I’M NOT. Mahal kita, alam mo yun. Pero bakit kahit simpleng appreciation lang WALA? oo. this means UMAASA ako. mali ito, alam ko. Pero konting appreciation lang naman ang kailangan ng isang babaeng sobrang nagmamahal ng isang tao.Bakit sakin hindi mo magawa? simpleng Thank you lang sana. Simpleng Ingat. simpleng Bye.


1 week ago on May 18 2012 @ 7:28am Reblog


Loving a friend is a torture.

Mainlove ka na daw sa isang taong kikilalanin mo palang wag lang sa isang tao n amatagal mo nang kaibigan. Yan ang sinabi sakin ng kaibigan ko, bawal daw mainlove sa isang kaibigan. Napaisip ako kasi hindi naman natin pwedeng piliin kung sino ang mamahalin natin diba? Hindi naman natin pwedeng sabihin na, ui, wag yan barkada ko yan! Kasi naniniwala parin ako na love comes without warnings, at habang pinipigilan mo ang sarili mo na mainlove sakanya—hindi mo nalang mapapansin inlove ka nap ala saknya. Pero ano ba ang downside ng isang sitwasyon na mainlove sa isang kaibigan?

Oo. Mahirap. Pero sa kabilang banda, may good side rin naman. Kasi bakit mo babawalan ang sarili mo na mainlove sa isang kaibigan, isa nga itong kadahilanan na kilala mo na talaga siya- dahil na-inlove ka sa personality niya, kilala mo ng talaga siya at minahal mo siya kung ano siya. Kapag magkasama kayo, masaya ka. Kahit na hindi niya alam yung nararamdaman mo sakanya(may balak ka ba talagang ipa-alam?)

Hindi naman talaga torture ang feeling kapag nagkagusto ka sa isang kaibigan. Nasa saiyo rin kung paano mo ihahandle yung nararamdaman mo, enjoy the feeling hanggang nandyan pa, malay mo sa pagiging magkaibigan niyo ay madevelop rin siya sayo. :)


1 week ago on May 18 2012 @ 3:36am 2 notes Reblog


Alam mo mahal na kita.

Gusto kita, mahal kita, ano nga ba talaga?

Nagkakagusto tayo sa isang tao dahil sa kanyang itsura na parang tinta sa damit na mahirap tanggalin, sa kanyang mala-anghel na boses na kumikiliti sa ating mga tenga, sa kanyang  pabango na halos lahat ng tao sa jeep naaamoy, sa mga mata niyang kumukutitap na may nais sabihin at iparating, at sa kanyang matamis na ngiti na abot hanggang langit.

Ngunit sa pagdaan ng panahon ng pagsasama, nagkakaroon ng pagbabago. Sa bawat kwentong pinaguusapan, ang mga ngiti at titig sa isa’t isa ay lalong tumatamis, kung dati’y walang kilig ngayon halos buong mukha’y nagkukulay kamatis. Sa bawat pagkaing pinagsasaluhan, kung dati’y hindi nyo pinapansin ang kanin at ketchup sa inyong pisngi, ngayon may panyo na sa inyong mukha ang dadampi. Sa bawat problema at iyakan na pinagdadamayan, kung dati’y panyo lang ang kayang ialok, ngayon nandyan na ang balikat na pwede mong sandalan at iyakan. Sa bawat lugar na inyong pinupuntahan, kung dati’y kanya kanya ang bayad, ngayon “ako na ang bahala, sagot ko na”. At sa bawat sulat at regalong natatanggap galing sa isa’t isa, kung dati’y walang halaga, ngayon nakatago na sa kahon at alagang-alaga.

Ngayon, masasabi mo pa bang “gusto kita” ngunit sa loob mo, gusto mong sabihing “mahal kita”. Hirap itago ang nararamdaman kung turing niya sayo ay kaibigan lang.so, ililihim mo nalang yung nararamdaman mo.

Mahirap nga namang sabihing “mahal kita” sa isang kaibigan dahil natatakot tayong marinig ang hindi dapat marinig, natatakot tayo dahil  baka pati ang pagkakaibigang pinagsamahan ay masisira lang, at natatakot tayo sa kadahilanang marahil hindi pa ito ang tamang panahon para ito’y sabihin sa kanya..ngunit kelan pa?  Kapag huli na ang lahat at meron na siyang iba. Iiyak na lang ba sa isang sulok at magmumukmok, lulunurin na lang ba ang sarili sa alak para magkalakas ng loob para sabihin ang mahiwagang salita.

Madaling sabihin na “alam mo gusto kita”, na nangangahulugang may espesyal na pagtingin, pero bakit ang hirap sabihin na “alam mo mahal na kita”, na ipinapahiwatig na sana paniwalaan mo ang nararamdaman ko sayo’y totoo.

Tignan mo ang iyong sarili sa salamin at magmuni, “magiging ganito ba ako kung hindi siya naging parte ng buhay ko?” kaya hindi lahat ng ending sa fairytales at love stories, happily ever after. Mayroon ding sawi at di nagtatagumpay. Gusto mo ba ng ganoong ending?

Para saan pa ang kasabihang “Love conquers all”. 

Pero hindi lahat HAPPY ENDING. yun ang tandaan mo:) But atleast you Take a risk.


1 week ago on May 18 2012 @ 3:32am 5 notes Reblog





1 week ago on May 18 2012 @ 3:29am 749 notes Reblog


dhiejhaexvii:

Lia!

dhiejhaexvii:

Lia!


1 week ago on May 18 2012 @ 3:29am 570 notes Reblog


I want my next boyfriend to be the last guy I will ever love.

shyieesolove:

I want him to be the guy I’ll plan my future with. I want him to be the one whom I’ll wake up with in the morning. I want him to be the guy whom I’ll promise a “till death do us part”. I want him to be the father of my future kids. I want to grow old with him. 

I wish finding that guy is as easy as 123. But too bad, you really have to undergo a lot of heartaches to finally find that someone who can stay faithful to you. So girls, a little tip, once you have that someone who makes you see forever, never let them go. Never let anyone take them away from you. Never give him reasons to give you up. Because in this world of billion people, only one person is meant for you. And who knows, the guy you are with right now is the one whom you’ll spend your forever with. 


1 week ago on May 18 2012 @ 1:31am 155 notes Reblog


1


Title: Girl Girly! Theme by: © IssXhamKonsepsyon , 2011